6am ng umaga gumising na ako.. pupungas pungas pa ako. Nanood lng ako sandali ng Umagang Kay Ganda. Nag-inat ng katawan.. nakita ko sa lamesa yung nakahandang almusal, pandesal, spam, at itlog. Kumain ako ng ilang piraso.. walang gana, dahil siguro kinakabahan ako sa first day ko. Matapos kong kumain ng dalawa hanggang tatlong pandesal na may palamang itlog at spam, nagtungo na ako ng banyo para maligo. Mga 15mins lang ako naligo, masyadong malamig, ngayon lang ulit ako naligo ng ganoong oras, dati naliligo lang ako ng umaga nung nagaaral pa ako. Pagktapos kong maligo, sinuot ko na ang binili ni mama na "yellow" na polo, actually kaming dalawa bumili nito sa ukay ukay lang, kailngan ko lang kasi ng maisusuot e, may color coding kasi dito sa opisina. Pagkatapos kong magbihis, binigyan na ako ng pamasahe, at baon ni mama. Dumiretso na ako sa plaza para mag-abang ng bus, ang lamig ng pakiramdam ko, dahil kaya "Ber" months na, or dahil kinakabahan ako.. ewan ko ba, bakit ako kinakabahan. Mga 10mins, bago ako nakasakay. Sa bus, pmwesto ako sa may dulo, sa may bintana. Di ko parin lubos maisip na may trabaho na ako.. isang trabahong wala akong ka-alam alam. Matrapik talaga pag dating ng ortigas, natagalan ang byahe ko. Bumaba ako ng Meralco Center Gate, naglakad papuntang opisina, mahabang lakarin din yun kung tutuusin, buti nalang at hindi ganun ka init.. 10mins akong naglakad, suot ang masakit na sapatos na binigay ng tatay ko sa akin. Humahangos akong nakarating sa building ng pinagttrabahuhan ko, sumakay ako ng elevator ng pawis, 27th floor, buti nalang walang mga sagabal sa pagandar ng elevator, ng marating ko ang floor ng opisina, nakita ko yung receptionist namin na nagmamadali, napatingin ako sa oras *putek* 2mins nalang 8:30 na.. at malamang malalate kami.. nakitakbo na din ako sa kanya ng mga sandaling iyon.
Pumasok ako sa parte kung saan nandun ang opisina namin mga HR at admin. Nakita ko ang amo ko, pero di sya ang boss ko. Pumwesto na ako sa table ko, binuksan ang computer, nagtanong ng gagawin, actually wala pa akong ginawa nun kundi maghanap sa internet ng mga applicants na taga Laguna. Nilagyan ng telepono yung lamesa ko, isang teleponong mahirap gamitin.. may Line 1, Line 2, Line 3.. di ko agad nagets, at tinanong ko sa receptionist. Aba'y pinagtawanan ako, gusto ko sanang tarayan, eh dahil 1st day ko, hinayaan ko nalang yun. Ahahah!
9 hours akong naupo, nagcomputer at nagtatawag.. di ko namalayan uwian na pala...
Itutuloy.. (kasama ang 2nd day ng aking Buhay HR Asst.)
Thursday, October 2, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)