Thursday, October 2, 2008

Buhay HR Assistant 1st Day

6am ng umaga gumising na ako.. pupungas pungas pa ako. Nanood lng ako sandali ng Umagang Kay Ganda. Nag-inat ng katawan.. nakita ko sa lamesa yung nakahandang almusal, pandesal, spam, at itlog. Kumain ako ng ilang piraso.. walang gana, dahil siguro kinakabahan ako sa first day ko. Matapos kong kumain ng dalawa hanggang tatlong pandesal na may palamang itlog at spam, nagtungo na ako ng banyo para maligo. Mga 15mins lang ako naligo, masyadong malamig, ngayon lang ulit ako naligo ng ganoong oras, dati naliligo lang ako ng umaga nung nagaaral pa ako. Pagktapos kong maligo, sinuot ko na ang binili ni mama na "yellow" na polo, actually kaming dalawa bumili nito sa ukay ukay lang, kailngan ko lang kasi ng maisusuot e, may color coding kasi dito sa opisina. Pagkatapos kong magbihis, binigyan na ako ng pamasahe, at baon ni mama. Dumiretso na ako sa plaza para mag-abang ng bus, ang lamig ng pakiramdam ko, dahil kaya "Ber" months na, or dahil kinakabahan ako.. ewan ko ba, bakit ako kinakabahan. Mga 10mins, bago ako nakasakay. Sa bus, pmwesto ako sa may dulo, sa may bintana. Di ko parin lubos maisip na may trabaho na ako.. isang trabahong wala akong ka-alam alam. Matrapik talaga pag dating ng ortigas, natagalan ang byahe ko. Bumaba ako ng Meralco Center Gate, naglakad papuntang opisina, mahabang lakarin din yun kung tutuusin, buti nalang at hindi ganun ka init.. 10mins akong naglakad, suot ang masakit na sapatos na binigay ng tatay ko sa akin. Humahangos akong nakarating sa building ng pinagttrabahuhan ko, sumakay ako ng elevator ng pawis, 27th floor, buti nalang walang mga sagabal sa pagandar ng elevator, ng marating ko ang floor ng opisina, nakita ko yung receptionist namin na nagmamadali, napatingin ako sa oras *putek* 2mins nalang 8:30 na.. at malamang malalate kami.. nakitakbo na din ako sa kanya ng mga sandaling iyon.

Pumasok ako sa parte kung saan nandun ang opisina namin mga HR at admin. Nakita ko ang amo ko, pero di sya ang boss ko. Pumwesto na ako sa table ko, binuksan ang computer, nagtanong ng gagawin, actually wala pa akong ginawa nun kundi maghanap sa internet ng mga applicants na taga Laguna. Nilagyan ng telepono yung lamesa ko, isang teleponong mahirap gamitin.. may Line 1, Line 2, Line 3.. di ko agad nagets, at tinanong ko sa receptionist. Aba'y pinagtawanan ako, gusto ko sanang tarayan, eh dahil 1st day ko, hinayaan ko nalang yun. Ahahah!

9 hours akong naupo, nagcomputer at nagtatawag.. di ko namalayan uwian na pala...

Itutuloy.. (kasama ang 2nd day ng aking Buhay HR Asst.)

Thursday, September 25, 2008

The Art of Letting Go

It is over. She is gone. Why is this so hard to believe? Why does hope keep burning even though the fuel has ran out? Why is it that we part when the love is still there? Why do we have to suffer? Why do beginnings have an end? Why do we meet only to be lost in the end? There are questions left unanswered, words left unsaid, love left unexpressed, promises left unfulfilled.

In a relationship, the hardest thing to do is saying goodbye and letting go. It's as hard as breaking a crystal because you never know when and if you will be able to pick up the pieces and join them again. More often than not, the one who goes, doesn't feel the pain of parting. It is the one who stays behind that suffers, because they are left with memories of a love that they thought was meant to last, a love that was.

It's always been that at the beginning and at the end of a relationship, we are afraid to find ourselves alone. Unfair as it may seem, but that's how love works sometimes. THAT is the drama, the bittersweet and the risk of falling in love. After all, nothing is constant but change. Everything will eventually come to an end without us knowing how, when and even why. And we must forget, not because we have to but because we HAVE to.

In letting go, sorrows come. Not as a single entity but a covey. Then it feels as if everywhere you go, in everything you do, in every song you hear, at every turn of your head, every beat of your heart and every breath you take, you are reminded of her. It is like stab of a knife, a torture. It's funny how the whole world seems empty when only one person is missing.

I wonder if it really is an art. But letting go entails certain 'skills' sprinkled with a considerable amount of time. They say time heals all wounds, though some scars remain forever. Acceptance plays a part. Not all love stories end with "...and they lived happily ever after."

Sometimes we part because of circumstances beyond our control. Sometimes we suffer so that the other one is happy. We cry to ease the pain, to try to let go. Every beginning has an end. Every dawn has its dusk. It's something beyond our control. Something we just have to accept.

It's over. She's gone. But life has to go on. Goodbye doesn't mean it has to be for ever. Maybe there will be a time and place when questions will be answered, words will be spoken, love will be expressed in solitude and promises will be fulfilled. Somewhere. Somehow. Someday.

I wish I could make my heart understand what I just wrote...

Sunday, September 7, 2008

Before its too late

Nung napanood ko yung video ng What About Now ni Chris Daughtry grabe nikakalibutan ako. Iba yung dating nung video napaka-powerful nito at ang ganda ng kanta. Nainspire akong gumawa tuloy ng mabubuting bagay sa paligid ko, na bihira ko nalang ginagawa. Parang gusto kong maging member ng Red Cross bigla. Ganun na pala talaga ka worst ang mundo natin.

Friday, August 29, 2008

May bago akong KRAS!

Nako nako nako!I really really love to watch the Philippine version of My Girl. Sobrang nahohook ako dito, may na mga namiss na akong episode pero salamat sa Youtube at kahit papano nakahabol ako. Ngayon kasi matatapos na to, buti nalang walang Tambayan, at nasubaybayan ko na talaga tong show na to. As in subaybay! Bawal istorbo kapag nanonood ako nito. Kagabi nga, yung episode na umiiyak nanaman si Jasmine, grabe.. nakakita nanaman ako ng weakness ko sa isang babae.. alam nyo na.. yung look na parang bagong iyak.. sobrang naatract talaga ako sa ganung itsura ng babae. Kim Chiu is doing a great job in portraying her role. She's really funny. Kim is such a sweetheart.



I LOVE KIM! Okay lang naman mii diba?

Thursday, August 28, 2008

+ Positive

"What the caterpillar calls the end,
the rest of the world calls a butterfly"
- Lao Tzu

Nagsisimula ko ng ma experience ang mga benefits ng pagiging postive thinker, I became more aware of my thoughts and my feelings. Nagbago mga pananaw ko sa buhay in a better way and continues to do so as I learn more. I still experience negative feelings, though it doesn't happen as often and as distressingly as before. I now know how to think myself into feeling better. Madalas akong nanonood ng mga inspiring shows, yung madami akong natutunan about life. Madami akong nakuhang tips sa mga tv shows, books, internet coloumnist na sinusubaybayan ko talaga, and masarap ang pakiramdam kung maibabahagi ko ang ilan sa inyo:

1. Talk to yourself positively. - Sabihin mo sa sarili mong "Im good." "Im great." "Magaling ako dito." just feel good when you say these things to yourself.

2. Be grateful for something - magpasalamat ka kung anong meron ka sa buhay mo, mga gamit na nakuha mo dahil pinaghirapan mo, mga tao sa buhay mo, or kahit ang mga simpleng bagay tulad ng nakakalakad ka, nakakapagsalita ka, kumakain ka three (3) times a day. Being thankful for anything puts you in an attitude of appreciation and receiving.

3. Connect with the past. - Alalahanin mo lahat ng magagandang bagay na ngyari sa buhay mo. You can also look at the difficult times in your past and identify at least one good thing that you got out of a bad situation. All events have a positive side, even the negative ones.

4. Be Optimistic - it’s a choice we have to make — to focus on the positive and to surround ourself with people who avoid the negative spiral of complaining and whining. If you’re not happy, quit whining and do something about it!

5. Support Group - gather friends, or circle of friends na may katulad mong pananaw sa buhay. Mga kaibigang maasahan mo pagdating sa mga emotional na bagay.

I hope itong mga tips na to could assist you greatly in your way in becoming a more positive person.

Warning: Prolonged use of positive thinking may create a permanent positive attitude. :)

Friday, August 22, 2008

Frenemies

Regina: We do not have a clique problem at this school.
Gretchen: But you do have to watch out for "frenemies".
Regina: What are "frenemies"?
Gretchen: Frenemies are enemies who act like friends. We call them "frenemies".
Karen: Or "enemends".
Gretchen: Or friends who secretly hate you, we call them "fraitors".
Regina: [rolls eyes] That is so gay.
Karen: [gasps] What if we called them "mean-em-aitors"?
Regina: [scoffs]
Gretchen: No, honey, it has to have the word "friend" in it.
Karen: Oh...

-- from Mean Girls



Well, this will be my first rant here. Kung rant nga na matatawag ito. Ngayon, na-realize ko na nadali akong magpatawad. Pero i think tama naman yun, right? Mas magaan ang pakiramdam kapag wala kang itinatanim na galit sa puso at isip mo. Hindi rin naman kasi ako sanay na makipagplastikan at makipag-samaan ng loob sa ibang tao - lalo pa at mga kaibigan ko at mga taong malalapit sa akin. Napakahirap maging isang mabuting kaibigan, at sobrang hirap maging mabuting tao. May mga oras na hindi ako nakakatulong sa mga emotion, pero somehow (i think..), yung mga ginagawa ko , yun dapat ang mangyari. Mahirap talagang pumagitna, mahirap tumulong. Pero pagtapos ng lahat, swertihan nalang kung maging masaya. Malas kung hinde.

Kaya narito na ang rundown ng pinakapopular na dahilan ng mga ayaw ko sa aking kaibigan. (Walang banggitan ng pangalan) Bato bato sa langit. Ang tamaan. GUILTY!!!!

1. i hate them when they use me to to their specific advantage
2. yung pag may kinakaasaran siya sa iyo ayaw niya sabihin pero pag nakatalikod ka na eh dun na lang dumadakdak.
3. backstabber
4. inggitin
5. I don't like it when they say, "Do what your heart tells you."
6. Grr! Sana kasi bigyan ako ng opinion noh. Kaya nga hinihingan ng advice eh. Advantages, disadvantages, what's right and what's wrong...hindeee, laging sasabihin, "Pag-isipan mo yan ng mabuti..."
7. plastik
8. as in ung parang ang bait-bait pag kaharap mo yun pala eh sinisiraan ka na sa mga ibang kaibigan niyo
9. nang-aabuso sa yo, at yung feeling nila eh the'yre the boss at ur the alalay
10. ayoko ung di marunong magpasalamat/magappreciate
11. ayoko sa mga kill-joy!
12. ayoko sa HINDE chismosa/chismoso at masyadong good gurl/boy
13. yung pa-demure epek
14. yoko na pag magaway kami, e ng dadamay ng pamilya
15. yung walang pakiramdam
16. sya na lang ng sya ang magaling at napaka conceited
17. pasosyal,
18. nang-iiwan sa ere, indiana/indiano jones
19. selfish,
20. mayabang, or ubod ng hangin
21. sarcastic,
22. feeling ano (yun na yun!)
23. but still i love them hehehe.. things can change naman as time goes by.. Hindi ko naman sila magiging kaibigan kung ayaw ko sa kanila e.

Lingon lingon sa paligid, wala dito ang plastik, madalas kasama mo ang bumabasag sayo, pero dahil kailangan ka nila, di ka nila mailaglag. Buksan ang mga mata.. at sagutin ang tanong..

Ikaw.. sa dami ng kaibigan mo, sino kaya ang tunay.. Ikaw o siya?

Tuesday, August 19, 2008

Act of Random Kindess

The second time na napanood ko ang movie na Evan Almighty, this time with my two year old pamangkin. Alam nyo naman ang mga bata matanong (wag kayo magtaka kung dalawang taon palang ang pamangkin ko eh ganyan na yan, bibo yan!), dami nyang tanong sa akin about sa pinapanood namin. Namalayan ko nalang na habang sinasagot ko mga tanong nya, natututo ako, unti unti kong naiintindihan yung pinapanood ko, yung lesson na matututunan dito. Honestly, nung first time kong pinanood kasi to, di ko na gets, medyo na kornihan ako, dahil siguro nag expect ako na mas maganda to sa Bruce Almighty, well in-fact dapat yung lesson ang tinitignan ko, w/c is magkaiba sa dalawang pelikulang ito.



It hit me bigtime dun sa last part, where nagusap si Evan at God (oo, 2nd time ko na pinanood to, pero ngayon ko lang talaga sya naintindihan.. pake nyo ba!?)

God: How do we change the world?
Evan Baxter: One single act of random kindness at a time.
God: [spoken while writing A-R-K on ground with a stick] One Act, of, Random, Kindness.

Ayos sa lines noh? Ahahah!! Ayos talaga.

Act of Random Kindess.. ano ba ibig sabihin nito?
Sabi ni Pareng Wikipedia : A random act of kindness is a purportedly selfless act performed by a person or persons wishing to either assist or cheer up an individual or in some cases even an animal. There will generally be no reason other than to make people smile, or be happier. Either spontaneous or planned in advance, random acts of kindness are encouraged by various communities.

Gusto ba natin mabago ang mundo ngayon? As in ngayon na? Seriously. Gaano kadalas nating mapadaan ang araw forgetting such a simple and pure act? To reach out to the world around us and start a chain reaction that will have implications far beyond our imagination.

Gaano ba kasimple to? It's almost as simple as breathing if done correctly. Every encounter we have throughout our day is an opportunity para mapractice ang act na tulad nito. In every encounter we can find some way to love the individual in front of us.

Practice gratitude for the service they provide, makipagtawanan and cheer someone who may be having a difficult time that day. Just love them purely as a fellow human occupying a similar space in our world and doing their part to contribute whatever it is that they do.

Take a moment to observe, take a deep breath and just think kind and loving thoughts toward the person in front of us. If we had any idea of where they had been and what they are currently facing, we would probably feel a more pure sense of compassion.

Lahat naman ng tao dumadaan sa kalungkutan, a bad day at work, nag-away kayo ng bf/gf mo, napagalitan ka ng parents mo, inindyan ka ng ka-meet mo. Our day isn't going so well and the world seems to be conspiring against us.

How does it feel when someone we don't know casts a pleasant smile in our direction, picks up something we dropped, or lends a hand wherever our need may be? Diba, iba ang pakiramdam ng ganon? How different does it feel if they scorn in judgment as they can sense our surly mood? If we put our judgments aside, who knows, the person we're looking at might just change their tone for the next person they face, and well, it could continue on from there. If we practice gratitude and forgiveness it will reinforce the positive and return more of the same to us.

What if today we all decided to hug our parents, yung mga kaibigan natin, yung kajowaan natin and tell them we love them? What if we say "I'm sorry" to someone we've offended? What if...?


Lets live our life to the fullest and be grateful for every day, and siguro malaking pagbabago ang mararamdaman mo sa buhay mo. Hindi lang naman ikaw ang malungkot, di lang naman ikaw ang walang trabaho, walang jowa. Live your life to someone, share smile, laughter. Sobrang nakakagaan ng kalooban, and at the same time nakakapagpasaya ka ng kapwa mo.